No strings attached 

Gusto kong sumigaw, ilabas lahat ng sakit at kirot sa dibdib. Pero kahit gaano pa kalakas ang sigaw ko, Marahil ay hindi mo parin madinig ang tunay na nilalaman ng aking puso.

Gusto ko umiyak, umiyak magdamag ubusin lahat ng luha na baka sakaling sa susunod na masaktan akong muli hindi na ako kailan pa ma’y iiyak. At sana bulag nalang ako, para hindi ko na kailangan pang mag bulagbulagan  sa katotohanang walang tayo. 

Kung kasing dali lang ng pag lalaro ng chinese garter ang pag ibig, pwede kang bumwelo kapag pahirap na ng pahirap. Pwede kang mag sub kapag hindi mo kaya at pwede mo ding balikan kapag alam mong kaya mo na. 

Para kasi tayong lubid na nang galing sa magkaibag dulo, akala ko walang magiging ugnayan pero naitali ng hindi sinasadya hanggang sa nabuhol na nang tuluyan. 

Advertisements

Pseudo Relationship

dfg

 

“Matagal-tagal din nawalan ng gana

Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman
Hindi ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko’t lambing
Sa bawat pagtago
‘Di mapigilan ang bigkas ng damdamin
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga.”

Sabi  nga sa kanta “walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga”

wala nga ba?  Paulit ulit kong tanong sa sarili ko

ngunit, nananatiling blanko ang utak ko hindi ko alam ..ewan ko hay ano nga ba talaga tayo.

Umpisahan natin sa dulo kung saan tapos na akong umiyak, sawa na akong umasa at ayoko nang magpakatanga.

paulit ulit kinumbinsi ng utak ko ang puso na huwag na muling titibok para sa maling tao kasi nga..

Sabi ko sa sarili ko ayoko na, hinding hindi na ako magpapakatanga sa pag ibig matututo akong mamuhay mag isa. Pero ano…

masaya ako sa tuwing kasama kang nakatitig sa kisame

masaya ako sa tuwing kasama kang kumakain sa kanto

masaya ako sa tuwing makakatabi ka sa ilalim ng mga bituin, nag lalakad sa kalyeng maingay,  kasing ingay ng pag kabog ng dibdib ko sa t’wing kasama ka.

Kahit na kung minsa’y para tayong edsa, may pagkakataong umuusad at madalas namang steady lang parang traffic nag aantay ng go signal bago mag move forward.

Hindi ko alam.

Ano batong nararamdaman ko.

Masaya ako sa bawat minutong hawak ko ang iyong kamay.

Pero walang tayo.

Hindi ko alam bakit tayo umabot sa ganito, hinayaang mauwi ang lahat saisang tanong na hindi alam ang isasagot.

dahil nga walang tayo.

Ganito pala mabuhay sa mundong walang label, mundong hindi mo alam kung ano ba talaga ang papel mo sa buhay niya

Patagong ninanamnam ang mga sandaling kayakap ka sa ilalim ng kumot.

tibok ng ‘yong puso na tila’y isang musikang hinihele ako  hanggang sa aking pag tulog.

Ang sarap sa pakiramdam, ang sarap ng buhay.

Gigising sa umagang ikaw ang unang  nasa isip,  pero ikaw ba naiisip mo rin kaya ako?

paulit ulit mo akong pinapakain ng mabubulaklak mong salita,  bigla nalang napaniwala na tila ba’y nahipnotismo.

dumating kang wala sa plano na akala ko tulad ka din nilang bigla nalang mag lalaho .

Ilang ulit kong sinubukang tuldukan ang lahat na hanggat hindi pa ako tuluyang nahuhulog sa pinakailalim at hanggat kaya ko pang umakyat dahil..

madalas naiisip ko ayoko na.

ayoko na makulong sa mundong binubuhay ako sa kasinungalingan na puno ng pantasya habang tumatagal nararamdaman kong malapit na akong mabuang.

natatakot akong dumating nanaman sa puntong mahulog akong walang sasalo at mag isang tatahiin ang bawat sugat titiisin ang bawat sakit at taon ang bibilangin bago mag hilom.

sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay ni nais kong bumitaw agad pero patuloy ka padin sa pag kapit, kapit na tila ayaw mo akong bitiwan, ang gulo sobrang gulo

mas magulo sa nagkabuhol buhol na pisi na hindi alam kung nasaan ang dulooooo. 💔

Tuloy parin.

Hanggang saan mo ako kayang sabayan, susuko ka rin ba at mas pipiliing lumihis ng landas kagaya nila at tuluyan din akong iwan? 

Sinanay ko ang sarili kong tumayo mag isa, kahit makailang ulit na akong nadapa. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may handang sumalo sa’kin. 

Sinanay ko ang sarili kong mag lakad at mangapa sa gitna ng dilim. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon may gagabay at mag bibigay liwanag sa’kin. 

Sinanay ko ang sarili kong huwag idipende ang kasiyahan sa ibang tao. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon,  ay may mga taong handa kang pasayahin ka hanggang dulo. 

Sinanay ko ang sarili kong kumain ng mag isa. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may handang mag alaga sa’kin

Sinanay ko ang sarili kong gamutin ang sugat na dulot ng kahapon. Dahil sarili lang natin ang bukod tanging makakapag pagaling sa bawat sugat na idinulot ng kahapon. 

Sinanay ko ang sarili kong huwag nang umiyak sa gabi t’wing ako’y masasaktan. Dahil hindi lahat ng taong nanakit ay dapat iyakan. 

Sinanay ko ang sarili kong huwag nang basta bastang magtitiwala, sa estrangherong panandaliang saya lamang ang bitbit. Dahil bawat taong dumadaan sa’ting buhay ay  may hangganan. 

 Sinanay ko ang sarili kong mag patuloy sa paglalakad patungo sa aking mga pangarap na

Walang balakid. 

Walang babalikan sa nakaraan. 

Walang hihintuan para tambayan. 

Patuloy lang, 

Patuloy lang akong maglalakad hanggang sa dulo.

Ngunit, 

Nagsimula kang sumabay, 

Patuloy na sumasabay. 

Hindi maintindihan kung bakit hindi mapigil sa pag tibok ang aking puso. 

Bumibilis,  pabilis ng pabilis na tila’y timatakbo sa aking dibdib. 

Sinimulan mo na akong alalayan, 

Itinatayo sa t’wing ako’y nadarapa. 

Ikaw ang nag sisilbing liwanag at gabay sa gitna ng dilim. 

Ikaw ang nag sisilbing kutsara’t tinidor sa t’wing kakain. 

Bakit ganito ang aking nararamdaman, 

Naghalo ang saya’t pangamba. 

Unti unti nanaman akong nasasanay, 

Hinahanap hanap ka sa t’wing ako’y nag iisa. 

Amoy mong sumasabay sa ihip ng hangin. 

Higpit ng yakap mong nag bibigay init sa malamig kong gabi. 

Mga halik mong nag bibigay tamis sa’king buhay. 

Pinupunan mo ang bawat pagkukulang sa’king pagkatao. 

Pinapasaya. 

Pinapahalagahan. 

Iniintindi. 

Pinoprotektahan. 

Pero.  

Ano ba talaga tayo?  

Damdaming hindi ko magawang ilabas. 

Pintig ng puso’y pangalan mo ang sinasambit. 

Isa ka lang bang estrangherong nais lamang akong sabayan pansamantala. 

Tulad ka rin ba nilang lilihis din ng landas kapag pagod ka nang sabayan ako sa mabatong daan. 

Pero gayun pa man,  kung isa ka lang ding pagsubok para masukat ang katatagan ko handa parin akong magpatuloy. 

Handa ulit akong masaktan. 

Handa ulit akong umasa. 

Dahil hindi pa huli ang lahat,  

Tuloy parin hangga’t makamit ko ang tunay na tamis ng pag-ibig. 

Can I really be happy and single?

single-2

 

Single is not a status. It is a word that describes a person who is strong enough to live and enjoy life without depending on others.”

I thought I really had found The One this time! And then, poof, it all blew up. Sigh, I am scared. I was so used to sharing everything. I was so used to having someone around. But yea, maybe I am just not made for a relationship. Or maybe I just keep picking the wrong guys.Yes, I have fond memories of my exes, but that was in the past. I know I will always cherish those memories, but I need to stop clinging to them to live for today and plan for tomorrow.So, maybe it’s time to build my life now, to really look at what I want to do, to embrace being single.Now that I’m single, I have an opportunity to do all the things that I always wanted to do and this time  to enjoy myself and complete myself.

Part of me feels afraid of this quick change, can I really be happy and single?. It’s scary to walk life by yourself when everybody around you seems coupled.But then, why not try being single for a change? Maybe it will work better.Maybe I’ll actually be happy when I am very obviously in control of my happiness instead of pretending someone else is. My heart has been bashed, bruised, and broken. But I don’t feel traumatized, and I know I will love again. Hopefully the next someone will treasure and treat my heart with love and respect. This felt like a slap in the face to wake me up. It reminded me that even with a broken heart, I am still standing. I’m still breathing. There are still so many possibilities for me.It’s time to start making my own bricks and start living!

I’m also fortunate to have wonderfully good friends who are always there with open arms, ready to listen and support me.I know for sure I can always share my happiness and sorrow with them. I can always depend on them without feeling the slightest bit of guilt. And now that I’m single, I have even more time to devote to being there for them.I have experienced the wonderful side of relationships, the sharing that goes on, the automatic companionship. All that comes at a price, again and again, and that price seems rather steep for the benefits.

Sometimes when you’re pretty much sure that you suck, that all guys suck, and that humanity in general sucks, the universe gets it and rewards you with a little reminder that maybe there are like a handful of non-sucky people.Then there are the negative things that keep me from happily single ever after. The fear that, deep down, there just must be something wrong with me because I cannot find a partner.When something bad happens, we tend to concentrate on the negatives, forgetting that there must be something positive hidden somewhere in the havoc.I believe that everything in life is a process. When something dramatic and fast hits us, it will take time to process it and start over.I’ll enjoy life by myself, surrounded by friends.

Mata ng kasinungalingan.

 

Tumingin  ka sa aking  mata, at sa aki’y ipakita ang tunay nitong nilalaman.

Tumingin ka sa aking  mata, at ipadama ang  iyong tunay na nararamdaman.

H’wag mo akong talikuran.

Tingnan mo ang mumunti kong matang pinag mumulan ng mga luhang dulot ng kirot mula sa aking puso.

Matang nag lalabas ng sakit na dulot ng patuloy kong pag mamahal sa’yo.

Mga matang hindi marunong mag sinungaling.

Mumunting mata na ang nais lamang ay makita ka’t mahagkan.

Tumingin ka sa aking mga mata, at sa aki’y patunayan  na ako’y kaya mo pa ring yakapin.

Ipadama man lang na ako’y iyong minsang minahal, kahit panandalian at kahit isa lamang itong kasinungalingan.

Dahil ang mga mata ko’y handang mag bulag bulagan sa katotohanang, hindi mo na ako mahal.

Mga matang dati’y punong puno ng kasiyahan, na ngayo’y kalungkutan.

Matang punong puno ng  kasinungalingan.

Hanggang saan  pa ba ako dapat tumingin?

Kailangan ko na bang tingnan ang katapusan?

o patuloy ko pa rin bang titingnan ang walang hanggan?

Mata ng kasinungalingan.

 

 

Tumingin ka sa aking mga mata, at sa aki’y ipakita ang tunay nitong nilalaman.

Tumingin ka sa aking mga mata, at ipadama ang  iyong tunay na nararamdaman.

 

 

H’wag mo akong talikuran.

 

 

Tingnan mo ang mumunti kong matang pinag mumulan ng mga luhang dulot ng kirot mula sa aking puso.

Matang nag lalabas ng sakit na dulot ng patuloy kong pag mamahal sa’yo.

Mga matang hindi marunong mag sinungaling.

Mumunting mata na ang nais lamang ay makita ka’t mahagkan.

 

 

Tumingin ka sa aking mga mata, at sa aki’y patunayan  na ako’y kaya mo pa ring yakapin.

Ipadama man lang na ako’y iyong minsang minahal, kahit panandalian at kahit isa lamang itong kasinungalingan.

Dahil ang mga mata ko’y handang mag bulag bulagan sa katotohanang, hindi mo na ako mahal.

Mga matang dati’y punong puno ng kasiyahan, na ngayo’y kalungkutan.

Matang punong puno ng  kasinungalingan.

 

 

Hanggang saan  pa ba ako dapat tumingin?

Kailangan ko na bang tingnan ang katapusan?

o patuloy ko pa rin bang titingnan ang walang hanggan?

Thank you.

13332730_1129949630375897_4945898563777026918_n

Photo credit to the owner:

It was a painful relationship, but I learned a lot from it. I learned that when it’s not the right relationship, it just isn’t the right relationship.

I no longer ask myself why, because I already know why.Our relationship isn’t something I regret.In fact, it taught me so many lessons. Thank you for making me so happy because I have realized I can be even happier.

I won’t ever forget the kisses that you gave me. In a way you taught me how to love ,and love should be about the simple things. Thank you for truly loving me that I didn’t have to pretend to be anyone else when I was with you, because you accept me just the way I was.

Thank you for holding me, crying with me, reassuring me on the day we said goodbye that life is too often doesn’t make any sense. I will admit, it was a tough idea to process, the idea of not having you in my life. But I have not only gotten over it, but I have grown into a better person because of it. I no longer let people manipulate me and walk all over me. I am much stronger than I was before and thank you for that.

You showed me where I can still carry old wounds, where fear gets in the way of my loving. I see more clearly today.You gave me hope, you showed me hope. And I am thankful for that. Thank you for helping me love myself again. Thank you for the times you’ve cheated on me, it also helped me realize that I deserve better, it helped me see that I am worth more than you gave. But the times we shared together were incredible and you made me so happy at least for a little while. Thank you for the part you played in my life to get me to where I am today.

We could work it out together, If only you’d stay. Yet you chose to leave, and suddenly left my world. And some relationship must end, it can leave you utterly shattered, cruelly fated to endless sleepless nights thinking what went wrong. I did everything I could to make you stay. But, everything happens for a reason, and there was definitely a reason our relationship came to an end.

Thank you for the heartbreak, because it made me a stronger person as a result. You helped me into the strong, independent young adult that I am today. My scars are only proof that I can survive.Thank you for showing me that love exists. We may not know it now. But there was a reason why we met.